Friday, June 17, 2011

Quotes from Bob Ong

I think that Bob Ong is a great author. Even though there are times that his statements may seen harsh, he is just being straight to the point and I guess I could say he's keeping it real. He may be unique, but his writing has substance and great  humor no matter what words he uses to send the message he wishes to send to his readers.


"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

Bob Ong
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo... Dapat lumandi ka din."

"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya..”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala.”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”


Some of Bob Ong Books:

1 comment: